
Itinalaga ni Pangulong Bongbong Marcos si Ma. Antonia “Toni” Yulo-Loyzaga bilang Department of Environment and Natural Resources (DENR).
“The President has nominated Ms. Ma. Antonia ‘Toni’ Yulo-Loyzaga as Secretary of the Environment and Natural Resources. Her nomination will still be subject to the fulfilment of the required documents,” saad ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles.
Si Yulo-Loyzaga ay dating chairperson ng International Advisory Board ng Manila Observatory, kung saan naging adbokasiya niya ang scientific research sa climate and disaster resilience.
Naging executive director din si Yulo-Loyzaga Manila Observatory at technical adviser ng Philippine Disaster Resilience Foundation.
Nagsilbi rin si Yulo-Loyzaga ng Senior Advisory Board ng AFP Command and General Staff College.
More Stories
VP SARA DUDA SA TIMING NG P20/KILO NG BIGAS ROLLOUT: PANAHON NG ELEKSYON? MEDYO KAHINA-HINALA
PBBM bumuo ng 3-man panel para tiyakin ang tuloy-tuloy na pamahalaan habang nasa abroad
Huwag gamitin ang mukha ng katutubo para sa pansariling interes