November 24, 2024

TONI GONZAGA BABU NA SA PBB

Simula ngayong araw ay hindi na magiging host ng Pinoy Big Brother (PBB) ang aktres na si Toni Gonzaga.

Sa ulat ng ABS-CBN reporter na si MJ Felipe ay mismong si Toni ang nag endorso sa aktres Bianca Gonzales na maging main host ng nasabing programa.

Hindi pa malaman kung pinaalis ba si Toni o siya mismo ang nag resign sa kanyang pagiging host.

“THIS JUST IN: According to a reliable source, Toni Gonzaga will no longer host Pinoy Big Brother. No formal resignation but source said Toni has voluntarily endorsed the main hosting job to Bianca Gonzalez.” ani Felipe.

Kinumpirma naman ni Toni sa kanyang Instagram post ang paglisan niya sa PBB.

“From witnessing all my co-hosts transition from housemates to PBB hosts are just some of the best moments in my life sa bahay ni Kuya! Today, I’m stepping down as your main host I know Bianca and the rest of the hosts will continue the BB legacy. It has been my privilege to greet you all with “Hello Philippines” and “Hello World” for the last 16 years. I will forever cherish the memories, big nights and moments in my heart. Thank you Kuya for everything. This is your angel, now signing off….” sabi ni Gonzaga.

Maraming netizens ang naniniwala na may kinalaman sa pagsuporta ni Toni sa tambalang BBM-Sara ang nangyaring paglisan ng aktres sa PBB.

May ilang netizens din ang hindi napigilan magbigay ng kanilang opinyon tungkol sa nangyayari sa aktres.

“Boycott ninyo na din Yung Milktea niyaaa.. hahah , unsubscribe,unfollow ,at wag Ibuto Ang mga inindorse Niyang KANDIDATO,” ani netizen @baste09451914

“I used to admire her, but last night I was disappointed. Para sa delicadeza, buti na ang ganyan. Sorry Toni pero may mali e. Hindi nmn masama mag support kahit iba ang pinaniniwalaan mo pero ung lantaran kasi, mali sa akin un.” sabi naman ni netizen @iamnaser04

“Sayang naman si toni g.iba ang takbo ng show pag siya ang host. Wala naba tayo karapatan mamili sino i boboto natin?” tweet naman ni @forever8212

Naging host ng PBB si Toni simula noong 2005.