MAAYOS ang naging balik-eskwela sa isa sa pinakamalaking eskwelahan sa lungsod ng Maynila pagdating sa mga estudyante, ang Tondo High School.
Ayon kay DepEd District Supervisor at siyang tumatayong principal ng Tondo High School na si Teacher Archie Pacheco, hinati nila sa 2 days face 2 face at 3 days online ang klase ng kanilang mga estudyante.
Layon aniya nito na masiguro ang kaligtasan ng kanilang mga estudyante.
Pero nilinaw din ni Pacheco na patuloy ang kanilang education recovery program para matiyak naman na makabawi ang mga estudyante sa dalawang taong online schooling.
Kumpiyansado naman si pacheco na magtutuloy tuloy ang maayos na pagsisimula ng klase sa pagtutulungan na rin ng magulang, mga guro at ng mga mag aaral.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA