
NANDITO nasa Pilipinas si Tom Rodriguez, ang pakay niya sa kanyang pagbabalik ay upang magtrabaho at habulin iyong mga nanloko sa kanya. Ang masaklap nito ay sangkot ang ilan niyang mga kaibigan at mga taong kanyang naka-deal nito sa pera, at nabiktima nga siya.
“May mga papers munang dapat na ayusin na dapat ilagay sa legal na proseso, kaya nga bago ko ilaban sa korte ay magtatrabaho muna ako.
“Magpokus muna ako sa aking Showbiz career na matagal ko ring iniwan, trabaho muna ako. Kung magkakasama kami ni Carla Abellana, sa isang project ay imposible pa iyon.
“Basta ako ngayon pokus muna sa trabaho, at dapat ko ring paglaanan ng oras iyong pagbawi sa pera ng mga taong nanggoyo sa akin,” pahayag pa ng guwapong aktor.
More Stories
KAMARA NAGLABAS NG VIDEO KUNG BAKIT NA-IMPEACH SI VP SARA
8 patay sa sunog sa Quezon City
14-ANYOS NA ESTUDYANTENG TSINOY DINUKOT, PINUTULAN NG DALIRI (Kidnappers pinatutugis ni PBBM)