Itinanggi ng Malacañang ang usap-usapan ng paglalagay ng toll sa EDSA upang mabawasan ang dami ng sasakyan na nagdudulot ng matinding trapiko.
“Wala pong ganung initiative sa pamahalaan ni Presidente Duterte. Kung meron man sa ibang Presidente po ‘yun,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.
Matatandaan na pinalutang ni Transportation Assistant Secretary Alberto Suansing ang nasabing usapan, na aniya’y dati nang pinag-iisipan para maiwasan ang trapiko sa EDSA tuwing rush hour.
Ngunit pinalagan na ito ng Department of Transportation at walang balak kagatin ang nasabing proposal.
More Stories
LEO FRANCIS MARCOS, INATRAS KANDIDATURA
Galvez sa MILF: Magsagawa ng imbestigasyon… 4 PATAY KABILANG ANG 2 SUNDALO, 12 IBA PA SUGATAN SA PANANAMBANG SA BASILAN
CIDG ‘KOLEKTONG ISYU’ MATULDUKAN NA KAYA?