
NAGBIGAY-PUGAY si Senate Majority matapos ang kahanga- hangang performance ng Philippine Kickboxing team na sumabak at nakapag-uwi ng karangalan sa bansa nitong weeķend sa idinaos na 1st Thailand Kickboxing World Cup 2025 sa Bangkok, Thailand.
Sinabi ng pangulo din ng Samahang Kickboxing ng Pilipinas na si Tolentino na ang 22- medal haul ng koponan ay patunay lang ng patuloy na pag-asenso ng Filipino kickboxers sa kanilang abilidad na mag-excel sa world stage. “Filipino kickboxers are world-class. They are highly skilled, well disciplined, and possess a fighting heart,” wika ng Senate Majority Leader and SKP President Francis ‘Tol’ Tolentino sa kanyang pugay sa Team Philippines .
“Our kickboxers, with the help of their coaches and managers, are committed to continue to improve their craft and bring honor to our country in international competitions,” dagdag ni ‘TOL.
“Ang paglalaro ng kickboxing ay hindi gawang biro; ito po ay isang combat sport. Nawa’y patuloy nating ipagdasal at suportahan ang ating kickboxers – at lahat ng atletang Pilipino!” ani pa reelectionist Senator.
Ang Philippine team’s medal haul ay ang eight gold, four silver, at ten bronze medals mula sa form at combat categories na pinamayanihan nina (form categories) Jovan Medallo na humablot ng four golds, at Janah Jade Lavador,na nag-uwi ng two gold at two bronze medals.
Nag-ambag sa combat events sina Whinny Bayawon at Jethro Saba wagi ng gold sa 57-kg Light Contact at 63-kg Kick Light categories ayon sa pagkakasunod. (DANNY SIMON)
More Stories
Akbayan Nangunguna sa Party-List Race ng Halalan 2025
VICO SOTTO, LANDSIDE NA NAMAN SA PASIG (Mahigit 390K na boto, lamang na lamang sa mga katunggali)
GO, AQUINO, DELA ROSA NANGUNGUNA SA SENATORIAL RACE — PARTIAL RESULTS NG COMELEC