MASUSUKAT ang kahandaan ng Philippine Karate Team sa pagsabak sa Southeast Asia Karate Federation (SEAKF) Championships na lalarga sa Marso 13-19 sa Ninoy Aquino Stadium sa Maynila.
Sinabi ni Karate Pilipinas Sports Federation president Richard Lim na mahigit sa 200 atleta mula sa 11 bansang miyembro ng SEAKF maliban sa Myanmar ang sasabak sa torneo na itinuturing pre-SEA Games tournament.
“Our very own SEAG Team led by Fil-Japanese Junna Tsukii and Sakura Alforte are coming over to participate in the tournament. Yes, buo na ang team natin for SEA Games, we already submitted the list sa POC, but we still have a chance to change the line-up if ever na may makita tayong players na mas deserving,” pahayag ni Lim sa (TOPS) ‘Usapang Sports’ nitong Huwebes sa PSC Conference Room sa loob ng Rizal Memorial Sports Complex (RMSC) sa Malate, Manila.
Iginiit ni Lim na isasabak ng Pilipinas ang pinakamatibay na koponan sa naturang torneo.
“Si Jamie (Lim) lang ang hindi makakauwi para lumaro. She needs to go to Canada para sa series of tournament na may world ranking points, saying din yun. But still, we’re fielding the best karatekas in the SEAGF,” aniya.
Ang perennial rival na Vietnam ang may pinakamalaking delegasyon na nagpadala ng lahok na 78 atleta, habang ang Myanmar ay nagpadalalamang ng mga opisyal at technical crew dahil sa kakulangan sa budget.
“Dito natin makikita kung ano ang magiging kampanya natin sa Cambodia SEAG. Pero kumpiyansa kami, definitely, na malalagpasan natin ang 8 bronze medal na nakuha natin sa Vietnam edition last year,” pahayag ni Lim sa lingguhang sports forum na itinataguyod ng Philippine Sports Commission at Behrouz Persian Cuisine.
Ayon kay Lim, may 17 kategorya ng paglalabanan sa Cambodia SEA Games,ngunit hanggang sa kasalukuyan wala pa umanong ipinalalabas na technical handbook ang organizers kung kaya’t may kaunting alalahanin.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA