November 24, 2024

TNT Giga coach Bong Ravena, proud sa impressive debut ni Thirdy sa Japanese B. League

Hindi maitago ni TNT Giga coach Bong Ravena na maging proud sa kanyang anak na si Thirdy.

Isa kasi sa bumida si Thirdy sa pagkapanalo ng team nito na San-En Neophoenix. Tagumpay ang debut nito sa Japanese B League sa paglista ng 13 points.

Nagtala rin ito ng 3 boards at 3 assists sa panalo ng Neophoenix sa Shimane Susanoo Magic 83-82.

Sa kanyang unang salang, dumakdak agad si Thirdy ng two-handed slam. Nagbuslo naman ito ng 8 markers sa fourth quarter.

Bagama’t hindi nito napanood ng live ang laban, masaya si Bong. Nalaman niya na lang ang resulta nang sabihin ni NLEX guard Keifer ang nangyari.

 “I’m just happy. Wishing him all the best and hopefully they’ll win some more games,” ani Bong.

Natawagan ko siya, nakausap ko siya. Nagsabi lang ako sa kanya na, ‘Just keep working hard and make everybody proud. Just enjoy your game and make all the Filipinos really proud,’” aniya.

“Kailangan niya lang muna i-enjoy ‘yung laro and then do the little things especially on defense. ‘Yun lang naman ang lagi kong bilin ko sa kanya.”

 ‘Wag siya masyado mag-relax especially on defense and enjoy the game.”