ITINUTURING ni Justice Secretary Menardo Guevarra na “expression of trust” lamang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pinakahuling pahayag patungkol kay Health Sec. Francisco Duque III na umaani ng kaliwa’t kanang batikos mula sa mga kritiko.
Naninindigan ang Pangulo na wala siyang makitang magandang rason para usigin ang taong inosente, na patungkol ng Punong Ehekutibo kay Duque.
Kumbinsido naman si Guevarra na nagpahayag lamang ng pagtitiwala ang Pangulong Duterte kay Duque nang banggitin ang pahayag na ito.
Ngunit hindi aniya ito nangangahuluhan nang pagpapawalang-sala ng Pangulo kay Duque lalo na sa mga usapin ng katiwalian sa Philhealth.
Sinabi ng Justice Chief na kung may matibay na ebidensiya laban sa sinuman at anuman ang katungkulan, naniniwala si Guevarra na si Pangulong Duterte na may dugong prosecutor ay hindi hahadlang sa legal na proseso.
Sa panig ng DOJ, lalo na ang Task Force Philhealth, tiniyak ni Guevarra na tuluy-tuloy ang trabaho salig sa direktiba ng Pangulo na mag-imbestiga, papanagutin at ikulong ang mga mapatutunayang tiwali sa Philhealth.
Matatandaang kinuwestiyon ng mga mambabatas at iba’t ibang grupo ang hindi pagkakasama ni Duque sa mga kinasuhan sa Office of the Ombudsman kaugnay sa mga korapsiyon sa Philhealth na nagdulot ng pagwaldas sa bilyun-bilyong pisong pondo.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY