
Bumagsak sa pinakamababang antas ang tiwala ng publiko kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., batay sa pinakahuling resulta ng survey na ikinasa ng Publicus Asia para sa unang sangkapat (quarter) ng taon.
Isa sa nakikitang dahilan sa paglagapak sa tiwala kay Marcos ang isinagawang pag-aresto, sa bisa ng mandamiento de arresto na inilabas ng International Criminal Court (ICC), kay former President Rodrigo Duterte kaugnay ng kasong crimes against humanity na isinampa ng pamilya ng mga biktima ng madugong giyera kontra droga ng nakalipas na administrasyon.
Sa datos ng Public Asia na nangasiwa ng 2025 First Quarter Survey, bumaba sa 14 percent (mula sa dating 23 percent) ang trust rating ni Marcos. Pumalo rin sa 63 percent ang “distrust rating” ng pangulo.
Dumami rin anang Public Asia ang kumbinsidong wala sa tamang direksyon ang administrasyon.
Samantala, bahagya namang tumaas ang trust rating ni VIce President Sara Duterte na nakasungkit ng 39 percent (mula sa dating 31 percent). Isinagawa ang survey tatlong araw pagkatapos dakpin at isuko ng gobyerno ang dating pangulo sa ICC.
More Stories
MPBL 2025 Season… BAGITO PERO MABALASIK NA DAVAO OCC. TIGERS COCOLIFE KILALANIN!
2 SALVAGE VICTIMS NATAGPUAN SA SEMENTERYO SA LAGUNA
Tuloy ngayong Abril 2… TAAS-PASAHE SA LRT 1 ‘DI NA KAYANG PIGILAN PA – PALASYO