BACOLOD CITY–– Patay ang isang guro at kanyang asawa matapos umanong barilin ng isang high school principal bago magbaril sa sarili dakong alas-8:30 ng umaga kanina sa Hinoba-an, Negros Occidental.
Lumalabas sa imbestigasyon, binaril ng prinicipal na si Warren L. Escobar, 56, ang mag-asawa sa Bilbao-Uybico National High School sa Barangay Pook bago kitilin ang sariling buhay.
Kinilala ang mga nasawi na sina senior high school teacher Alvarisa A. Arroy at kanyang asawa na si Christoper, parehong 35-anyos.
Ayin kay Hinobaan Mayor Ernesto Estrao, nakatanggap siya ng hindi pa kumpirmadong imprmasyon na nagalit ang principal sa titser dahil sa isang reklamo na inihain laban sa kanya sa Office of the President.
Natanggap umano ni Escobar ang notice para magpaliwanag sa loob ng limang araw at sinisi ang titser dahil sa pagsasampa ng reklamo, ayon sa alkade.
Sinabi ni Estrao na wala siyang alam kung bakit inireklamo ng guro ang principal.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA