November 5, 2024

‘TINY BUBBLES’ MANANATILI SA NCR SA ILALIM NG MECQ


Pina-alalahanan ngayon ni PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar ang publiko partikular ang mga residente sa National Capital Region (NCR) at iba pang mga lugar na nasa Modified Enhanced Community Quarantin (MECQ) na mananatili pa rin ang small bubbles o tiny bubbles policy kung saan hindi pa rin papayagan ang mga indibidwal na makapamili ng mga basic goods sa labas ng kanilang mga siyudad o municipalties.

Ayon kay PNP chief, mananatili ang mga checkpoints sa mga borders at tanging mga Authorized Persons Outside Residence (APOR) ang maaaring makadaan sa mga Quarantine Control Points (QCPs).

Sinabi ni Eleazar, walang pagbabago sa kanilang mga checkpoints nuong nasa panahon ng ECQ ang Metro Manila.

Bagamat hindi pinapayagan ang cross-border sa pamimili ng pangunahing bilihin, nilinaw naman ni Eleazar na pinapayagan naman tumawid sa ibang siyudad o cross-borders ang mga mayruong medical appointments at emergency services sa mga hospitals.

Samantala, nasa 9,101 quarantine violators ang nahuli ng PNP sa unang araw ng implementasyon ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) sa Metro Manila.

Batay sa datos ng PNP JTF Covid Shield as of August 21,2021 ang mga nahuli dahil sa paglabag sa Minimum Public Health Standards (MPHS) nasa 5,997 ang binalaan, 2,848 ang pinagmulta o tinikitan at 256 ang pinnagawan ng community service.

Ayon naman kay JTF Covid Shield Commander Lt. Gen. Israel Ephraim Dickson walang naitalang mga untoward incidents sa mga checkpoints.

Mahigpit pa rin ang paalala nito sa mga kapulisan na nagmamando ng QCPs na pairalin pa rin ang maximum tolerance.

” Wala naman reported any untoward incident, batay sa aming monitoring,” ayon kay  Lt.Gen. Dickson.