November 5, 2024

Tinupi na bagong P1,000 hindi tinanggap ng SM

Hindi maitago ang pagkadismaya ng isang netizen matapos diumanong hindi tanggapin ang kanyang bagong P1,000 polymer bill dahil sa nakatupi ito.

Sa kanyang Facebook post, ibinahagi ni Reylen Lopez ang kanyang kwento at binalaan ang mga netizen na huwag munang tumanggap ng polymer bill.

“Wag na Po kayu mag-ipon ng bagong 1k! Bawal daw I fold o tupiin as per SM Management,” Lopez wrote. “Ipangbabayad q sana to, Hindi nila tinanggap. Bawal daw tupiin. Hindi kami na inform.” ani Lopez sa kanyang Facebook post.

Matatandaan na sinabi ng bagong gobernador ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na si Felipe Medalla na dapat ay bumili na ng mas mahabang wallet ang mga Pilipino upang maiwasan na matupi ang nasabing bill.

Nitong Hunyo 13 ay naglabas din ng guidelines ang BSP kung paano mapapangalagaan ang nasabing bagong bill.

  • – Keep them flat
  • – Do not fold excessively. If banknotes become crumpled or creased, apply pressure or flatten with hands
  • – Do not hoard bills.
  • – Keep them clean.
  • – Do not deface, write on or mark the banknotes. Philippine laws impose penalties on defacing currencies
  • – Do not tear, cut or poke holes in the bills
  • – Do not staple or use rubber bands on polymer banknotes
  • – Do not expose polymer banknotes to high temperature or near an open flame
  • – Do not iron

Sa ngayon ay wala pang kumpirmasyon ang SM Management kung bakit nila hindi tinanggap ang nakatuping P1,000 bill.

Samantala ay hinimok naman ni Rep. Joey Salceda ang BSP na linawin nila kung ano nga ba ang magiging patakaran nila pagdating sa pagtanggap ng polymer bill.

Sinabi din nito na kung bawal tupiin ang polymer bill ay mawawalang saysay ang isa sa mga dahilan kung bakit isinulong ng gobyerno ang paglipat sa nasabing materyales.

“One of the primary motivations for shifting to the polymer-based bill was that it is more durable than the paper bills,” ani Salceda.

“However, the lack of guidelines on what constitutes still-valid legal tender and which bills are damaged beyond being acceptable by business establishments has led to confusion in ordinary cash transactions,” dagdag pa niya.

“One folded bill should be just as good as a bill not folded.”