TUTULUNGAN ng Public Attorneys Office (PAO) ang babae sa viral video na galit na galit sa ‘no vaccine, no ride” policy ng gobyerno.
“Huwag na po Kayong Mag-alala kay Nanay GEMMA PARINA, umaalalay po ang PAO Manila District!” ibinahagi ni PAO chief Persida Rueda-Acosta sa Twitter.
Una nang sinabi ni Parina, isang tindera sa Paco Market, na may taong naghahanap sa kanya matapos nitong batikusin ang “no vaccine, no ride” policy.
Kaya naman, humingi siya ng tawad sa mga taong nasaktan dahil sa kanyang sobrang galit.
Nag-viral siya sa social media matapos i-post ng INQUIRER.net ang kanyang video, binatikos ang patakarang nagbabawal sa mga hindi nabakunahan laban sa COVID-19 sa pampublikong sasakyan ng Metro Manila.
Saad niya na naglalakad siya mula sa kanyang bahay papunta sa palengke dahil wala siyang COVID-19 vaccine. Mayroon aniya siyang sakit sa puso at diabetes.
Tulad ni Parina, hindi pa rin nababakunahan si Rueda-Acosta kontra COVID-19.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY