NASA malubhang kalagayan ang isang tindera matapos holdapin ay sinaksak pa ng salarin na nagpanggap na kostumer sa Valenzuela City.
Inoobserbahan sa Valenzuela Medical Center sanhi ng dalawang tinamong saksak sa tiyan ang biktimang si Renalyn, 19 ng Brgy. Canumay West habang nadakip naman ng pulisya ang suspek na si alyas “Aksel”, 30, construction worker.
Sa report nina PCpl Larry Legazpi at PSSg Julius Congson kay Valenzuela police chief P/Col Salvador Destura Jr, nagpanggap na kostumer ang suspek sa binabantayang tindahan ng ukay-ukay ng biktima sa Tongco St., Brgy., Maysan at nang makakuha ng tiyempo ay tinutukan nito ng patalim saka ipinasok sa loob ng banyo at sinuntok sa mukha bago dalawang beses na sinaksak sa tiyan.
Matapos ang insidente, nagpalit ng damit ang suspek saka mabilis na tumakas tangay ang P3,500 na kita ng tindahan habang isinugod naman ang biktima sa nasabing pagamutan.
Kaagad namang nagsagawa ng follow-up operation at backtracking sa cctv footages ang pinagsamang mga tauhan ng SS-9, SIS, SIU at DMU kung saan nakita nila ang paglabas ng suspek sa tindahan na iba na ang suot na damit at pagsakay sa tricycle hanggang sa pagbaba niya sa construction site sa R. Jacinto St., Brgy. Canumay West kung saan siya pansamantalang nakatira at nadakip ng mga pulis.
Sa ospital, positibong kinilala ng biktima ang suspek na siyang sumaksak sa kanya nang personal itong iharap ng mga pulis sa kanya.
Mahaharap naman ang suspek sa kasong robbery with serious physical injuries.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA