Tinatayang nasa 560 atleta ang maaaring kumatawan sa Team Philippines. Ito ay para sa 31st Southeast Asian Games (SEAG) sa Vietnam.
Ito ang sinabi POC president Abraham “Bambol” Tolentino matapos abrubahan ng POC Executive Board ang bilang.
Sasalang ang mga atleta sa 520 events ng kabuuang 38 sa 40 sports. Na lalaruin sa Vietnam biennial Games sa Nobyembre 21 hanggang Disyembre 2, 2021.
Ngunit, posibleng mabawasan pa rin ang nasabing bilang. Ito’y dahil sa dadaan sa strict selection process ang list ng SEAG Committee.
An deadline ng pagsusumite ng final list ng mga atleta sa Marso 2, 2021
“The basis of selection primarily hinged on those athletes who won medals [of any color] in the 2019 SEA Games that we hosted,” pahayag ni Tolentino.
“We also looked at events where the potential of winning the gold medal is very high, as justified by an athlete or athletes performance in 2019,” aniya.
Noong 2019 SEA Games, nasa 1,115 ang lumahok na atleta.
More Stories
Marubdob na trabaho sa POC mas taimtim sa bagong taong 2025 – Tolentino
CONVERGE MAGKASUNOD ANG PANALO
SBA Championship Week Game One… MANILA’S FINEST NIYANIG ANG TAGUIG!