
Nilapa ng Minnesota Timberwolves ang Milwaukee Bucks sa iskor na 113-108. Bumida si D ‘Angelo Russell sa Timberwolves sa pagtikada ng 29 points, 6 ast at 5 rebs.
Umalalay naman si Anthony Edwards sa paglista ng 25 points. Gayundin si Karl Anthony Towns na may 25 points din.
Nasayang naman ang ginawang 40 points ni Giannis Antetokounmpo para sa Bucks.Gayundin ang 16 boards, 7 assists at 3 blocks.
Nag-ambag naman si Khris Middleton ng 16 points, 5 boards at 5 assists. Samantala, kumana si Buddy Hield ng 26 points sa panalo ng Sacramento Kings. Pinagdilim ng Kings ang Phoenix Suns sa iskor na 110-107.
Naisalpak ni Harrison Barnes ang winning shot mula sa 107-107 all sa huling segundo.
More Stories
Pia Cayetano misyong palaganapin ang sport na padel sa buong bansa
Pinoy Inumerable, Kampeon sa 2025 Illinois Senior State Chess Tilt
MVP Smart PAI national tryouts.. ANG GARA NG PH QTS NI GARRA PARA SA MALAYSIA TILT