
NAPATUNAYANG guilty sa first-degree murder ang social-media personality na pumatay sa asawang Filipino American at kanyang kaibigan sa loob ng apartment sa East Village sa San Diego.
Hinatulan ng guilty ng San Diego jury si Ali Abulaban, 32 – kilalang content creator bilang si “JinnKid” sa TikTok at iba pang platforms – sa pagpatay kay Ana Abulaban 28 at Rayburn Cardenas Barron, 29, nang barilin sa isang couch sa loob ng Abulabans’ 35-floor unit sa Spire San Diego apartments.
Napag-alaman din ng Jurors na totoo ang special-circumstance allegation sa pag-commit ng multiple murders, sa madaling salita, inaasahan na habangbuhay ang sistensiya ni Abulaban sa loob ng bilangguan na walang posibilidad na mabigyan ng parole.
Ang sentensiya ay nakatakda sa Hunyo 28.
More Stories
PBBM SA MGA BOTANTE: BUMOTO NG TAPAT AT MAY MALASAKIT
DOE NAKA-HIGH ALERT PARA SA HALALAN 2025 (Upang masiguro ang tuloy-tuloy na suplay ng kuryente
COMELEC: EU OBSERVERS PINAYAGANG PUMASOK SA PRESINTO, PERO BAWAL HABANG MAY BOTOHAN