December 24, 2024

TIGNAN: Programang ‘Training of Trainers on Production of High Quality Inbred Seeds and Farm Mechanization,’ idinaos

DUMALO ang 15 may-ari ng farm schools at  learning sites sa Luzon sa  “Training of Trainers on Production of High Quality Inbred Seeds and Farm Mechanization” program na idinaos sa Villar Social Institute for Poverty Alleviation and Governance (Villar SIPAG) Farm School sa Bacoor City. Isinagawa ng Agricultural Training Institute-Regional Training Center IV-A, Philippine Center for Post-Harvest Development and Mechanization at Philippine Rice Research Institute-Los Banos, layunin ng training course ang mapalawak ang kaalaman at kakayahan ng mga kalahok sa mga makabagong teknolohiya sa produksyon. Sinabi ni  Sen. Cynthia Villar, director ng Villar SIPAG, na ang kurso ay bahagi  ng programa sa ilalim ng  Republic Act 11203 o ang batas para sa P10-billion Rice Competitiveness Enhancement Fund kung saan pangungunahan ng trainers ang pagtuturo sa mga magsasaka mula sa iba’t-ibang lugar sa Pilipinas para madagdagan ang kanilang ani  at kita sa pagpapababa ng halaga ng produksyon ng palay. Nasa larawan sina Engr. Niño Bengosta (Philmech), Engr.Don David Julian (Philmech), Ms.Maritess Piamonte Cosico (ATI REGION 4A).