





PATULOY na humihingi ng tulong ang mga driver ng public utility jeepney sa mga dumadaang mga motorista at commuters sa kahabaan ng Bluementritt Avenue sa Maynila ngayong araw ng Hunyo 30, 2020. Ito na ang ika-108 na araw magmula ng i-lock down ang Metro Manila na sumailalim sa enhanced community quarantine dulot ng COVID-19 pandemic. Bagama’t tinanggal na ang mahigpit na quarantine protocols at ang transportasyon ay unti-unting pinapagayang bumiyahe, ang mga traditional na jeepney ay hindi pa makapamasada sa kani-kanilang ruta; kaya’t ang mga driver at kanilang pamilya ay walang income upang mapagkunan ng kanilang pagkain at iba pang pangangailangan.
More Stories
ISKO, SV, IBA PANG KANDIDATO, PINAGPAPALIWANAG NG COMELEC SA UMANO’Y VOTE BUYING
DZRH Reporter sa Baguio, Binantaan umano ng Mayor ng Abra
Lalaki sa Antipolo binaril sa ulo, tigok