November 5, 2024

TIANGCO NATANGGAP NA ANG UNANG DOSE NG BAKUNA KONTRA COVID

Natanggap na ni Mayor Toby Tiangco nitong Lunes ang kanyang unang dose ng bakuna kontra Coronavirus Disease 2019.

Si Tiangco ay kabilang sa 260 persons with comorbidities sa Navotas na nabakunahan na ng CoronaVac sa San Jose Academy.

Nasa 260 pang vaccines ang nakatanggap ng kaparehong bakuna na ginanap sa Tumana Health Center.

“Certified NavoBakunado na rin po tayo! Sa lahat po ng mga residente at manggagawa sa ating lungsod, magpa-rehistro na sa ating NavoBakuna COVID-19 vaccination program. 3,618 na po ang nabakunahan sa ating lungsod na mga frontliners, senior at may comorbidity,” ani mayor.

“Susunod na po rito ang ating mga economic essential workers. Malaki po ang maitutulong ng pagpapabakuna para matapos na ang pandemya, at mapaangat na natin ang ating buhay at kabuhayan,” dagdag niya.

Matapos kumpirmahin ng national government noong nakaraang Linggo na maaari ng magpabakuna kontra COVID-19 ang mga mayors na nasa high-risk areas, agad humingi si Tiangco ng medical clearance sa kanyang his asthma doctor.

Pinayuhan siya ng kanyang doktor na ihinto ang pag-inom ng isa sa kanyang apat na maintenance medicines para asthma sa isang linggo. Kung ang kanyang asthma ay hindi lumala, maaari siyang mabakunahan sa ikapitong araw.


Dumating si Tiangco sa vaccination venue dakong 11:30 ng umaga at nagtungo sa registration area. Ang kanyang blood pressure ay 130/70 isinagawang screening at cleared siya para sa vaccination. Nanatili siya sa lugar para obserbahan sa loob ng 30 minutes at pinayagan na umalis pagkatapos. Sinabi ni Tiangco na walang masamang reaksyon.