
NAMAHAGI ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa pangunguna nina Congressman Toby Tiangco at Mayor John Rey Tiangco, kasama si BFAR-NCR Regional Director Noemi Lanzuela ng NavoBangka sa mga rehistradong Navoteño fisherfolk bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-119th Navotas Day. Nasa 22 pares ng mga mangingisda ang nakatanggap ng 30-footer fiberglass banca na mayroong 16hp marine engine at underwater fittings. Nasa 925 na rehistradong Navoteño fishing boat owners din ang nabigyan ng fishing nets. Ani Mayor Tiangco, ang NavoBangka-buhayan ay programa ng pamahalaang lungsod, katuwang ang Department of Agriculture – Bureau of Fisheries and Aquatic Resources. (JUVY LUCERO)
More Stories
MPBL 2025 Season… BAGITO PERO MABALASIK NA DAVAO OCC. TIGERS COCOLIFE KILALANIN!
2 SALVAGE VICTIMS NATAGPUAN SA SEMENTERYO SA LAGUNA
Tuloy ngayong Abril 2… TAAS-PASAHE SA LRT 1 ‘DI NA KAYANG PIGILAN PA – PALASYO