UMISKOR ng dalawang sunod na panalo ang koponang Thunderz sa pag-arangkada ng Liga Baseball Philippines( LBP) Tingzon Cup sa Rizal Memorial Baseball Stadium nitong nakaraang weekend.
Matapos bokyain ng Thunderz ang Dumaguete , 11-0, noong opening game ng ligang inorganisa nina LBP Chairman Amando ‘Wopsy’ Zamora katuwang sina President Jose ‘ Pepe Muñoz at Executive Director Rodolfo ‘Boy Tingzon, nalusutan naman nito ang KBA (Katayama Baseball Academy) Stars ni Keiji Katayama, 7-5, para sa back-to-back victory sa kauna-unahang commercial baseball league sa bansa na may basbas din ng Philippine Baseball Association na pinamumunuan ni PABA president Chito Loyzaga.
Dikdikan ang laban mula unang inning ay palitan ng bentahe tampok sa top of 8th ang RBI (run-batted-in) single ni Jose Jose upang umiskor ng run si Thunder Manaig para sa panablang 4-4. Sa top of 9th ay pinalitan ni bagong KBA pitcher Thomas Gonzaga si Arvin Herrera sa mound pero pinagtatamaan siya ng bawat masalang na batters na nagresulta ng breakaway ng Thunderz tampok ang pagtapak sa homebase ni Adrian Bernardo dahil sa wild pitch ni Gonzaga tungo sa 7-5 na panalo at 2-0 sa team standing.
“It was a see-saw battle from the first inning until we hit paydirt in 8th and 9th frame. Good break for us,” wika ni Thunderz skipper Gab Bagamasbad. (DANNY SIMON)
More Stories
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY
PAGSISIKAP NG MARCOS ADMIN SA DIGITAL LITERACY NG MGA MATANDA, WELCOME KAY TIANGCO