Hindi nakapaglaro si Thirdy Ravena sa road game ng San-En Neophoenix laban sa Shibuya Sun Rockers. Kung saan, natalo ang Neophoenix sa Sun Rockers. 81-80.
Nagtamo ng injury sa kamay si Thirdy sa laro noong Sabado sa Japan B. League. Shooting hand ang nadale kay Thirdy.
Nangyari ito noong loose ball situation bago nilisan ang laro. May 5:30 minuto ang nalalabi sa 3rd quarter.
Ayon sa Neophoenix, na-diagnosed si Ravena na may right fourth finger metacarpal oblique fracture. Sa ngayon, hindi pa sigurado kung kailan gagaling si Ravena.
Kung magkagayo’y malabong makasali siya sa B. League All Star Game. Gayundin sa Slam Dunk Contest sa Jan.15-16 sa Mito. Japan.
Si Ravena ay may average na 8.8 points sa 37 percent shooting. May 3.7 rebounds at 1.6 steals sa 12 games sa San-En.
More Stories
Marubdob na trabaho sa POC mas taimtim sa bagong taong 2025 – Tolentino
CONVERGE MAGKASUNOD ANG PANALO
SBA Championship Week Game One… MANILA’S FINEST NIYANIG ANG TAGUIG!