Bagama’t hindi aniya parurusahan ang ilang miyembro ng Gilas PIlipinas na sangkot sa 5-on-5 game sa San Juan, hindi nakaligtas sa sermon ng Samahang Basketbol ng Pilipinas sina Gilas members Thirdy Ravena at Isaac Go.
Kasama ang dalawa sa nagviral na video sa social media na nagsawaga ng basketball scrimmage o pick-up game, kahit na ipinagbabawal ng IATF ang anumang laro dahil sa banta ng Covid-19 pandemic.
Ang dalawang nabanggit na players ay bahagi ng pagpapalakas ng Gilas para sa paghahanda sa 2023 FIBA World Cup
“Wala kaming iniisip na penalty o fine,” pahayag ni SBP Executive Director Sonny Barrios sa isinagawang Philippine Sportswriters’ Association Forum.
“Definitely, napagsabihan na sila ni President Al Panlilio and sir Butch na itigil niyo na ‘yang pinaggagagawa niyong hindi ayon sa regulasyon at nakakahiya tayo,” dagdag pa ni Barrios.
Kabaliktawan ng dalawa, pinagmulta naman ng PBA Commissioner’s Office kahapon sina Japeth Aguilar ng tig- Php 20,000, gayundin ang pagpapa-swab test at 30 hours community service.
“Definitely, napagsabihan na sila ni President Al Panlilio and sir Butch na itigil niyo na ‘yang pinaggagagawa niyong hindi ayon sa regulasyon at nakakahiya tayo,” dagdag pa ni Barrios.
More Stories
Marubdob na trabaho sa POC mas taimtim sa bagong taong 2025 – Tolentino
CONVERGE MAGKASUNOD ANG PANALO
SBA Championship Week Game One… MANILA’S FINEST NIYANIG ANG TAGUIG!