Kumusta ang buhay natin, mga Cabalen?
Habang tinitipa natin ang suplemento sa pitak na ito, nasa ilalim tayo ng MECQ.
Matatapos ang MECQ sa August 18. Ngunit, dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19, may ilang nagmungkahi na palawigin pa ito ng 14 days pa.
Sa gayun ay talagang mabawasan aniya ang kaso. May ilang ekspertong nagmungkahi na gayun nga ang gawin.
Isa na nga sa nagmungkasi si Dr. Tony Leachon. Mainam aniya ang dagdag pang 14 days na MECQ sa Metro Manila.
Magandang mungkahi. Ngunit, maraming komplikasyon. Turan nga ni Presidential Spokesman Harry Roque, baka kulangin ang pondo ang gobyerno sa pamumudmod ng SAP.
Isa pa, mapipilay lalo ang iba’t-ibang sektor at babagsak ang ekonomiya. Kawawa naman ang mga kababayan natin kung hindi sila makakapaghanapbuhay.
Ano naman ang gagamiting pantawid ng mga pobre nating mga kababayan, gayung hindi sila makalabas upang makapaghanapbuhay?
May ilang establisiyemento ang bukas. Pero, papaano ang apektado ng MECQ na hindi kasama sa listahan na mag-operate?
Kung hindi maiiwasan, talagang dapat ikasa ng gobyerno ang pamamahagi ng 3rd SAP. Dapat itong ilatag ng Kongreso at ng DSWD.
Ika nga ni DSWD Usec Rene Glen Paje, payag ang ahensiya na magkaloob ng third round ng SAP. Iyan ay kung pagtitibayin ng kaakibat na batas.
Tama naman ang ating sapantaha na mayroon pang cash-aid ang pamahalaan. Kung gayun, bakit hindi ito gawin? Sa gayun ay makahinga ng maluwag ang ating mga hikahos na kababayan sa krisis dulot ng COVID-19.
Kung maipapatupad, dapat lang na tiyakin ng ahensiya na maibabahagi sa tao ang pera— at hindi mapunta sa bulsa ng mga korap.
Kung hindi naman palalawigin ang MECQ, nararapat lamang na maging disiplinado ang ating mga kababayan sa pagsunod sa mga health protocols.
Payagan silang makapagtrabaho upang may magugol sa kumakalam nilang mga sikmura.
More Stories
MGA BAGYONG PASUGAL SA CAVITE
Mga leader ng bansa dapat mahiya sa mga Pilipino, walang tigil sa bangayan!
Hen. Antonio Luna, Dangal ng Lahing Pilipino