Inamin ni Floyd Mayweather Jr na si Sen. Manny Pacquiao ang pinakada-best na kanyang nakalaban. Sa loob ng 21-taon nitong walang dungis na record sa boxing, muntikan na itong mabahiran ni Pacquiao.
Kahit magkaribal at naging magkalaban, kinilala ni Floyd ang husay ni Pacquiao. Nakalaban din ni Mayweather ang mahuhusay na boxers na nakalaban ni Pacquiao.
Kabilang na rito sina Oscar De La Hoya, Shane Mosley, Juan Manuel Marquez at Ricky Hatton.
“The best fighter I’ve ever fought probably was Manny Pacquiao because of his movement. He’s a hell of a fighter,” ani Floyd Jr sa kanyang appearance sa The Million Dollaz Worth of Game podcast. Na ito ay hosted ng rapper na si Gillie Da King. Gayundin ng social media inluencer na si Wallo267 para sa 111th episode nito.
“And I can see why he won so many fights and I can see why he’s going down as a Hall of Famer because of certain moves that he make,” aniya.
Si Floyd ay 1996 Atlanta Olympics bronze medalist na may 50-0 record (27 KOs).
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA