November 3, 2024

‘ The Beast’ to the rescue sa mga typhoon Ulysses victims’; Abueva, binulabog ng mga posts ng mga poser sa social media

Nagbabala si Phoenix star Calvin Abueva sa publiko na gumagamit sa kanyang pangalan. Lalo na sa social media, kung saan mayroong fake accounts niya.

Ang mga pekeng aniyang account ay nagpapakalat ng rumors kaugnay sa pinsalang idinulot ng bagyong Ulysses.

Sa kanyang official Instagram account @abuevacalvinthebeast, ipinaabot ni Abueva na siya ang may-ari ng Twitter account na @BeastCalvin08.

Siya rin ang Facebook user ng Calvin.abueva.100483. Sa Facebook, nakasaad sa pekeng account na tapos na si Abueva sa pagtulong sa typhoon victims.

Na ang mga ito ay naghahanap ng rubber boats at private plane. Gagamitin aniya ang mga ito para sa rescue operations.

Nakasaad din sa mga fake accounts na nais umanong sagutin ni Calvin ang lahat ng gastos para sa rescue vehicles.

Sa pekeng Twitter, aayuda raw si ‘The Beast’ sa pagpapadala ng 3 private planes at 4 rubber boats.Ang mga fake accounts ay nilikida na sapol nang mai-report ng concerned citizens.

 “[Yung] kakagising mo lang [tapos] bigla ka na lang yumaman. [Hay] poser po yan,” saad ni Abueva sa kanyang one-minute video clip sa Instagram .

Wag po kayong maniwala dyan dahil wala po akong pinost na ganyan. ‘Di ko po real account ‘yon.”

Sinabi rin ni Abueva na hahantingin niya ang nasa likod ng poser ng fake account kapag nakalabas na siya sa Clark bubble.