November 3, 2024

Texas Rangers pitcher Corey Kluber, na-diagnosed dahil sa napunit na teres major muscle sa kanang balikat

Na-diagnosed si Corey Kluber (34-anyos) ng Texas Rangers ng Major League Baseball (MLB) dahil sa iniinda nitong injury. Nagkaroon ng Grad 2 tear sa teres major muscle sa kanang balikat si Kluber. Nakita ang pinsala sa magnetic resonance imaging (MRI) scan.

Kaya naman, magpapahinga ang right-hander ng Rangers sa loob ng halos isang buwan. Sa huling laro, nakapagtala ng 18 pitches si Kluber laban sa Colorado Rockies noong Linggo.

bago umalis sa laro dahil sa pananakit ng balikat.

Noong off season, nalambat ng Texas si Kluber mula sa Cleveland Indians.

 “The timeline is not on our side [for his return],” pahayag ni Rangers general manager Jon Daniels.

 “We will give it time and if it is healed we will give it a chance to see if it is ready for the end of the season.”

“If Kluber manages to return, it will likely be as a reliever,” dagdag ni Daniels.

Noong Mayo 1, 2019, nagkaroon din ng injury si Kluber noong naglalaro pa siya sa Cleveland. Nabali ang kamay nito nang madaanan ni Brian Anderson ng Miami Marlins habang tumatakbo ng mabilis sa line drive.

Pagkalipas ng 10 buwan, gumaling ang pitching arm ni Kluber. Nakapag-pitch siya sa kauna-unahang pagkakataon pagkagaling sa injury kontra sa Los Angeles Dodgers nitong Marso 2, 2020 sa koponan ng Rangers.