November 3, 2024

Testing center sa Navotas naantala dahil sa 12 COVID-positive health workers

INIHAYAG ni Navotas City Mayor Toby Tiangco na pansamantalang maaantala ang lockdown testing center sa San Roque Elementary School matapos na 12 sa 22 health workers mula sa pambansang pamahalaang itinalaga para sa swab test ang magpositibo sa COVID-19.

Ani Tiangco, siyam lamang na health workers ang natira sa San Roque Elementary School testing center kaya’t maaantala ang swab test matapos na magpasya ang pambansang pamahalaan na hugutin ang mga miyembro ng kanilang “swabbers team” ngunit tiniyak namang agad silang papalitan.

Sa kabila nito, patuloy na hinimok ni Mayor Tiangco ang nasasakupan na sumailalim sa swab test matapos na magpasya ang pamahalaang lungsod na dagdagan mula 300 hanggang 1,000 residente ang papayagang pumunta sa testing center in Palacio De Maynila in Malate kung saan prayoridad ang mga senior citizens, buntis, menor-de-edad at yaong may mga close contact sa mga kumpirmadong kaso ng COVID-19.

Samantala, hinikayat niCongressman John Rey Tiangco ang mga residente ng lungsod na manatiling malusog at ipagpatuloy ang regular na ehersisyo sa loob ng kanilang mga tahanan para mapalakas ang kanilang immune system. Aniya, dati ay pumupunta ang mga Navoteños sa Centennial Park para mag-ehersisyo ngunit simula nang kumalat ang COVID-19 ay pinigilan sila ngl local na pamahalaan sa pagpunta sa parke para hindi kumalat ang sakit.