Inireklamo si Terrence Romeo ng San Miguel Beermen ng mga investor sa poultry business. Isa aniya ng basketbolista sa nagpapatakbo ng negosyo.
Nagreklamo ang isang nangangalang ‘Marco’ dahil sa talbog na tseke na ibinayad ni Romeo. Nagkakahalaga ito ng 8-milyon. Namuhunan ng kelot ng P10-milyon sa poultry business.
Pinangakuan din siya ng PBA player na makakamig ng 25% na income kada buwan.
Aniya, sina Romeo ang magpapalago sa farm ng mga bibilhin nilang sisiw. Tapos may makukuhang dividends kada buwan. Maayos naman nung una ang bayad. Pero, kalaunan ay may delays na. Nang tumagal, hindi na mahagilap ang may-ari ng negosyo.
“Kami’y syempre agad na nagtiwala dahil star-studded at the same time star player siya. Yun ang pinaka pinanghawakan namin,” dagdag pa niya.
Hawak ni Marco ang tseke na in-issued ni Romeo. Hangga’t maaari, ayaw niyang palakihin ito. Kaya, nais niyang maayos ito ng basketbolista.
More Stories
BACK -TO-BACĶ ÙAAP MEN’S BASEBALL TITLE PUNTIRYA NG NU BULLDOGS
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na