December 24, 2024

Terrence Crawford, nagparamdam kay Pacquiao pagkatapos manalo kay Kell Brook

Wagi si unbeaten pug Terrence Crawford sa kanyang unang laban ngayong 2020. Matagumpay na naidepensa ni Crawford ang kanyang WBO welterweight title.

Kung saan, binira nito ng knockout win laban kay Kell Brook sa Las Vegas. Tumba si Brook sa right jab ng kampeon.

Kung kaya, sumalya ito sa ropes. Tinapos na ni Crawford ang kalaban sa pamamagitan ng chopping right at flurry short left.

Dahil dito, itinigil na ng refree na si Tony Weeks ang laban sa 1:14 ng fourth round.Kaya naman, tumaas ang kumpiyansa ni Crawford at maigting na nais labanan si Manny Pacquiao.

Kaugnay dito, nais ni Crawford na buksang muli ang usapin ng laban nila ni Pacman kay Bob Arum.

Naudlot ang naikasang laban ng dalawa ngayong taon dahil sa COVID-19. Kung matutuloy ang laban nila, pwede itong ikasa sa Middle East. Maaaring sa Qatar sa first quarter ng 2021.

So now we can go back to the drawing board and try to revisit a fight with Manny Pacquiao,” ani Crawford.

The money was there. The fight was going to take place in the Middle East,” saad naman ni Bob Arum .

Now they called us and said if Terence is successful, then we want to resume talks and see if we can do it in the spring,” aniya.