PINAG-AARALAN na ng paparating na administrasyon ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ang panukala na magpapahaba sa termino ng mga barangay officials.
Kasabay nito ay sinabi ni Executive Secretary-designate Vic Rodriguez na pinag-aaralan na rin ang pagpapaliban ng Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) na nakatakda sa Disyembre 2022.
“We are studying thoroughly the plus and the minuses of spending or calling for elections and there is nothing definite yet,” sabi ni Rodriguez sa isang event kasama ang mga opisyal ng barangay sa Quezon City noong Huwebes.
“But we are open to all options that are being presented to us including the possibility of passing a law and making the term of barangay captains to five years, still subject to three terms,” sabi pa ni Rodriguez.
Kung magiging limang taon umano ang termino ng mga opisyal ng barangay mula sa kasalukuyang tatlong taon ay mas mapapaganda ang pamamahala sa mga barangay.
“For me as a former barangay captain, I think mas may wisdom na gawin nating five years ‘yan kesa extension, extension, extension, and extension because we are working against the spirit of our law, the bible of the Local Government Units – the 1992 Local Government Code. So instead of violating the spirit of the law, we might as well extend natin siguro ‘yan and provide stability in your leadership, provide stability in governance,” sabi pa ni Rodriguez.
Noong 2019, pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act 11462 upang ipagpaliban ang May 2022 BSKE sa Disyembre 2022. Ang huling BSKE ay idinaos noong Mayo 2018.
More Stories
NM Nika sosyo sa 5 iba pang manlalaro sa Marienbad Open 2025 – C FIDE Open 23rd International Chess Festival
Lalaki, arestado sa panggugulo at baril sa Navotas
2 welder, patay nang ma-trap sa nasunog na barko sa Navotas