Maaaring hindi matuloy ang barangay election na unang itinakda sa Disyembre 5, ngayong taon.
Ito ay dahil sa posibleng palawigin ng ika-19 na Kongreso, ang termino ng mga kasalukuyang opisyal ng barangay.
Sa forum na Kapihan sa Manila Bay, inihayag ni Albay Representative Joey Salceda na ang pag-papaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa Disyembre ang isa sa mga aatupagin ng Kamara sa kanilang pagbabalik sesyon sa susunod na linggo.
Nais anilang pahabain ng hanggang limang taon ang termino ng mga opisyal ng barangay lalo na at napaka-iksi ng tatlong taon nilang katungkulan.
Kung hindi aniya matutuloy ang barangay at SK elections sa Disyembre, may ₱11-B na matitipid ang gobyerno na maaaring gamitin sa infrastracture program ng pamahalaan.
Samantala, hindi pabor si Congresman Salceda sa plano ni VP at DepEd Secretary Sara Duterte na huwag na, magsuot ng uniform ang mga mag-aaral.
Ang pahayag ni Salceda ay tugon sa gitna nang pagtutol ng mga magulang na huwag mag-uni-porme ang mga nag-aaral na anak lalo na at mas magastos kung naka-sibilyan na papasok ang mga bata.
Sinabi rin ni Salceda na kung mag-yu-uniform ay hindi dapat manghimasok ang mga guro.
Si Congressman Salceda ay nagsisilbing adviser ni VP Sara Duterte.
More Stories
Tulak, kalaboso sa pagbenta ng shabu sa pulis sa Malabon
Driver, arestado sa baril sa Malabon
80K NANAY MAKAKATANGGAP NG P350 MONTHLY SA ILALIM NG EXPANDED 4Ps – DSWD