Bukod sa pagiging tennis star, si Maria Sharapova ay isa ring matulunging indibidwal. Katunayan, nagtatag siya ng foundation na sunod sa kanyang pangalan. Na tumutulong sa mga kabataan sa buong mundo upang makamit ang mga pangarap. Nagdoneyt ng $100,000 si Sharapova sa Chernobyl-related projects.
Sa pakikipagtambalan niya sa UNDP, nagbigay siya ng $210,000 scholarship program para sa mga mag-aaral sa Chernobyl na naapektuhan ng nuclear incident noong 1986 sa Belarus. Kung saan, 12 estudyante ang nabiyayaan ng 5-year scholarships sa Belarusian State Academy of Arts at Belarusian Stae University.
Bukod sa pagiging matulungin, isa ring businessminded si Sharapova. Katunayan, mayroon siyang candy line na tinatawag na ” Sugarpova” noong 2013. Kung saan, kasosyo niya rito si Jeff Rubin, founder ng international retailer na
” It’s Sugar”. Ayon kay Sharapova, ang kita sa nasabing candy products ay napupunta sa kanyang foundation. Noong 2016, nakisosyo ang Polish Company na Baron Chocolatier sa kanila upang gumawa ng Sugarpova Premium Chocolates.
More Stories
All-time best ng PH bets naitala sa day 3 ng ICF World Dragon Boat C’ship… GOLD RUSH NG TEAM PILIPINAS!
MGA BAGYONG PASUGAL SA CAVITE
Angas ng Pinas sa Asian Kickboxing… ATLETA NI SEN. ‘TOL’ TOLENTINO HUMAKOT NG GINTO!