Isang binatilyo mula sa bansang Bangladesh ang nakatanggap ng parangal sa prestihiyosong global children’s award.
Si Sadat Rahman, 17, ay ginawagan ng 2020 KidsRights International Children’s Peace Prize. Ito ay dahil sa kanyang pag-asembol ng isang mobile app upang matulungan ang mga kabataan na ma-reportng cyberbullying at cybercrime sa kanyang distrito sa Narail.
Kabilang sa mga dating nagwagi sa parangal ang Nobel laureate at Pakistani education campaigner na si Malala Yousafzai at environmental activist na si Greta Thunberg
“Serious action needs to be taken right now. Teenagers continue to remain vulnerable to online crime and cyberbullying, particularly in the times we live in,” ani Rahman sa AFP sa isang remote interview.
“The idea started after a 15-year-old girl committed suicide because of online bullying,” ani Rahman.
Iginawad kay Rahman ang premyo, na pinangangasiwaan ng Netherlands-based KidsRights foundation, sa isang online stream ceremony.
Dinaig nito ang dalawa pang finalist – ang Mexican na si Ivanna Ortega Serret, 12, na nilabanan ang polusyon sa tubig.
Gayundin ang 18-anyos na Irish na si Siena Castellon, na gumawa ng isang website para matulungan ang mga mag-aaral na may autism at matinding kapansanan sa pag-aaral
Sa tulong ng “Cyber Teens” mobile app ni Rahman ay makakaugnayan ng kabataan ang tinatawag na Narail Volunteer, na kinabibilangan ni Rahman.
Ang Narail Volunteers ay nakipag-ugnay sa lokal na pulisya at mga social worker upang matulungan ang mga tinedyerna mag-ulat ng mga nangyaring ng cyberbullying at cyber crime.
More Stories
MGA BAGYONG PASUGAL SA CAVITE
BUCOR AT PAO MAGTUTULUNGAN PARA SA INMATE WELFARE PROGRAM
PILIPINAS KATAWA-TAWA NA NGA BA SA MUNDO?