Lumagare ng panalo ang team USA sa kanilang last exhibition game para sa Olympics. Binalda ng US ang current world champion na Spain, 83-76.
Kaya naman, magandang momentum ito bago sila lumipad patungong Tokyo. Nanguna si Damian Lillard sa panalo ng U.S.
Nagtala si Lillard ng 19 points, 4 boards at 6 assists. Nagdagdag naman si Kevin Durant ng 14 points. Si Keldon Johnson naman ay bumanat ng 15 points.
Nanguna naman si RIcky Rubio sa Spain sa pagbuslo ng 23 points.
Paa kay coach Gregg Popovich, mahalaga ang panalong ito sa pre-olympic tune-up. Bagama’t nahirapan sila sa Spain. Lamang ang Spain hanggang third quarter.
Pero, nakaungos ang U.S nang gumana na sina Lillard at Durant. Bumira rin sila ng 23-6 run. Kaya lamang sila ng 7 points sa pagtatapos ng third, 57-50.
Makakarap ng U.S sa unang game sa pool play ang France. Habang ang Spain ay haharap sa Japan sa July 26.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA