
Tinambakan ng Team USA ang bansang Iran sa kanilang laro sa Tokyo Olympics. Nagtala ng blow-out win ang mga Kano sa iskor na 120-66 sa laro na idinaos sa Saitama, Japan.
Nanguna si Damian Lillard sa panalo ng US na nagbuslo ng 21 points. Mula rito ay ang kanyang 7 treys mula sa kabuuang 19 ng team.
Nagtala naman si Devin Booker ng 16 points at 14 naman si Jayson Tatum. Napigtas ang 25-game Olympic winning streak sa kanilang pagkatalo sa France, 83-76.
Ngunit nakabawi sa Iran. Kaya, tangan na nila ang 1-1 record sa kanilang pool.
Susunod na makatatapat ng U.S ang Czech Republic sa Sabado. Ito na ang huli nilang laro sa pool play.
Dahil sa panalo, tiyak na ang spot sa Americans sa single-elimination quarterfinals.
More Stories
UAAP: ATENEO TINALO ANG DATING UNDEFEATED NA UP MAROONS
Pinoy vs Mexicano-Pinoy vs Nigerian… DOUBLEHEADER SA PHL ENCUENTRO C’SHIP SA MAKATI CITY
Del Rosario muling nagwagi ng korona sa WNCAA taekwondo