
Nakasungkit muli ang Team Philippines ng isang silver medal sa 31st SEA Games sa Vietnam. Nagmula ito sa Taekwondo Mixed Martial Freestyle Poomsae competition.
Inambag ito nina Janna Oliva, Juvenile Crisostomo, Justin Kobe Macario, Darius Venerable at Jeordan Dominguez. Samantala, nakahablot naman ng bronze medal si Juancho Miguel Besana sa men’s vault final.
Agad namang nagpa-abot ng pagbati ang PSC sa tagumpay ng team. Sa ngayon, sumatotal na 2 gold at 2 silver medal na ang nahablot ng PH taekwondo sa torneo.
More Stories
Pia Cayetano misyong palaganapin ang sport na padel sa buong bansa
Pinoy Inumerable, Kampeon sa 2025 Illinois Senior State Chess Tilt
MVP Smart PAI national tryouts.. ANG GARA NG PH QTS NI GARRA PARA SA MALAYSIA TILT