Tumulak na ang team Philippines patungong Beijing para sa 2022 Winter Olympics. Pambato ng bansa si Asa Miller pati na ang small delegation.
Lumipad ang delegates sakay ng Japanese Airlines mula Manila to Tokyo. kasama na rito si Chef de Mission Bones Floro. Gayundin si Athlete Welfare Joebert Yu. Pagkatapos ng lapag sa Tokyo, tutulak naman ang team sa Beijing.
“It’s all systems go for the departure of Team Philippines to Beijing,” ani Floro.
“We have been complying with all the Covid-19 countermeasures and protocols for travel to the Beijing Olympic bubble.”
Ang American coach naman ni Miller na si Will Gregorak ay tutulak sa China. Maaaring mangyari ito anumang oras sa susunod na linggo. Si Miller ang tanging lone representative ng bansa sa nasabing torneo na magsisimula sa Feb.4.
Sasabak siya sa event sa alpine skiing’s men’s slalol at giant slalol sa Feb.18.
More Stories
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na
2025 Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge susulong sa Peb. 2