Wagi ang Team LeBron kontra Team Durant, 163-160 sa 2022 NBA All-Star Game. Bumida si Stephen Curry sa pagbira ng 50 points. Kung saan, 48 rito ay mula sa naibuslong 16 threes.
Siya rin ang ginawaran bilang 2022 Kobe & Gianna Bryant All-Star MVP. Nabura rin ni ‘The Chef’ ang all-time 3 point conversion ni Paul George noong 2016. Nagtala si George ng 9 triples na naungusan ni Curry sa 16.
” I got hot early and kept scoring. Then I tried to put on a little bit of a show,” aniya.
Bumira naman si LeBron James ng 24 points sa kanyang 18th all-star appearance. Lumagare naman si Giannis Antetokounmpo ng 30 points at 12 boards.
Sa panig naman ng Team Durant, naglista si Joel Embiid ng 36 points at 10 boards. Habang nagpalawal naman si Devin Booker ng 20 points.
More Stories
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na
2025 Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge susulong sa Peb. 2