Nanalasa ang Team Gonzaga at Rondina sa women’s beach volleyball event. Kapwa tinalo ng 2 team ang Malaysia sa iskor na 2-0. Binarag ng tambalang Sisi Rondina at Bernadeth Pons ang Malaysians na sina Aina Ahmad Nizar at Maegan Jia Yin, 21-11, 21-9.Dinaig naman ng tandem nina Jovelyn Gonzaga at Dij Rodriguez sina Sin Xi at Sin Sing Yee, 21-14, 21-9.
Wagi rin ang Gilas Pilipinas women’s national team sa basketball event. Tinalo nito ang Indonesia sa isang dominant win, 93-77. Ang Gilas women’s team ang defending champs sa nasabing torneo.
Samantala, nag-ambag si Edgardo Alejan, Bernalyn Bejoy, Joyme, Sequita at Giselle Lumapas ng bronze medal. Panalo sila sa mixed relay 4X400m event sa SEA Games.
More Stories
Marubdob na trabaho sa POC mas taimtim sa bagong taong 2025 – Tolentino
CONVERGE MAGKASUNOD ANG PANALO
SBA Championship Week Game One… MANILA’S FINEST NIYANIG ANG TAGUIG!