January 18, 2025

TEAM DON PACUNDO SEALIONS BABALASA NG PLAYERS NITO SA SINAG@40

Ang koponang Don Pacundo Cavite Sealions 3-1 sa Sinag Liga Lakas@40. (kuha ni Menchie Salazar)

DISMAYADO ang pamunuan ng Don Pacundo Cavite Sealions na kalahok sa ongoing Sinag Lakas Kwarenta na patorneo ng Sinag Liga Asya.

Matapos ang close overtime loss  ng Tropang Caviteño ni Sealions team owner / coach Jemuel Laron kontra IGT noong Lunes,naramdaman ng management na hindi ganoon ang magiging outcome  ng laro kung 100% to win ang ilan sa kanyang manlalaro at walang impluwensiya mula sa outside force.

” Tanggap naman namin anumang resulta ng laro basta fair and square,”pahayag ni Laron na binigyang diin na ang kanilang koponang Sealions ay matagal nang sumasali sa ligang komersyal  sa Maynila kaya alam nya na kung   ‘ something fishy’ sa team o sa mga nagpapaliga.

“Magkakaroon kmi ng revamp bago ang laro namin sa December 8, at least 5 of them ang mababalasa.

We ‘ll get players that are willing to win .Kahit magaling kung wala sa puso ang manalo o kaya ay nadidiktahan ng mga maimplwensya sa liga ay wala silang lugar sa Sealions,” ani Laron na aminado ring mahirap tapatan  ang mga kakumpitensya pagdating sa resources pero pag puso ang pinag-uusapan ay laban lang hanggang dulo dapat ang kaniyang koponan at special mention niya si Aris Tubla.

Ang Don Pacundo Sealions ay nasa timon nina team managers Francisco Ocampo at Dean Banzon , co- owner sina Catherine Laron Ryan Dalosa. Kaagapay na bench tactician ni coach Jemuel sina Danny Billones,Dwight Manuel at Ryan Rodriguez.

“Sumali kami dito sa Sinag kasi alam ko mas angat ito kumpara sa ibang liga. Habang nasa tour nga ako sa ibat- ibang bahagi ng mundo bago ako nakauwi ay mas malakas ang dating ng Sinag sa international”, saad pa ni Laron na tiniyak niyang motibasyon sa  Sealions ay ‘play  hard to win at dapat ay convincing para walang puwang ang anumang balak.Kumbaga sa boxing, knockout agad para walang hometown at judges’ decision.” Ang Sinag Liga Asya ay pinamumunuan nina chairman Rocky Chan at president Ray Alao at iniisponsoran ng IGT.