Panalo ang triumvirate ng ‘Team Cavs’ sa ‘Skills Challenge’ sa NBA All-Star Weekend. Naungusan ng nasabing team ang ‘Team Antetoukounmpo’ at ‘Team Rooks’.
Naisalpak ni Evan Mobley ang half-court shot matapos magmintis ni Jarrett Allen sa first attempt.
Sa unang sargo ng contest, lamang ang Team Rooks nina Scottie Barnes, Cade Cunningham at Josh Giddey. Nagtala ang trio ng 200 points kumapara sa dalawa na tig-100 points.
Umabante sa finals ang Team Cavs nang masalpak ni Darius Garland ang threes laban sa Team Antetokounmpos.
More Stories
Marubdob na trabaho sa POC mas taimtim sa bagong taong 2025 – Tolentino
CONVERGE MAGKASUNOD ANG PANALO
SBA Championship Week Game One… MANILA’S FINEST NIYANIG ANG TAGUIG!