November 16, 2024

Team Alliance of Masters Paddlers Nanggulat sa Chinese New Year Dragonboat Festival

MATAGUMPAY at blockbuster ang  pagdaraos ng Chinese New Year Dragonboat Festival na sumagwan  sa Pasig River sa ibaba ng bagong  Binondo Bridge kahapon.

Nilahukan ito ng mga  pangunahin at bagitong dragonboat clubs sa Kamaynilaan at ang pinakamalaking sorpresa ay nang magpasiklab ang koponang binubuo ng masters paddlers at kabataang out of school youth sa lungsod na kinalinga at iginiyang  maging dragonboat athletes.

Ang Team Alliance of Masters na nagsumite ng pinakamabilis na titempong 56.74 sa mixed division 10 – seater ,250 m race ay binuo sa loob pa lang ng dalawang buwan nina team leaders Allan Diancin at partners na Ronnie at Arlene Aguilar . namayani sa  10-seater na karera at sorpreasang dinaig ang mga paboritong tropa tulad ng Rampage A at B at iba pa na pinalakpakan ng dagsang taong sumaksi sa kaganapang pang – new year na inorganisa ng PCKDF sa pakikipagtulungan ng Manila City Government at local  government units ng Binondo District.

Ang mga magigiting na paddlers ay binubuo nina Joross Francisco,Alexander Montecillo Imperio,Jhon Christian Balaba Olaybar,Edward Samson,Gabriel Fuentes,Jean Guison,Madeline Magistrado,Beverly Ricasa Guades,Arnel Libertas,Jevie Navarro,Azaak Diancin,Michel Villanueva,Madonna Gadion,Mel Atip,Heart Diancin,Nap Tolentino,Mathew Del Rosario,Joncyl Belciña- signal,Roel Castro- steer at Carl Daniel Aguilar

Ang pasiklab at may future na koponan ay nag-eensayo sa bayside ng CCP Complex at ayon kay Allan Diancin ay handa na silang makipagsagwanan sa mga heavyweights ng larangan sa  basbas ng PCKDF at tulong ng kinauukulan sa mga atleta ng larangan ng dragonboat na malaking potensyal na mag-excel sa international competitions kung saan ay nakapaguuwi ng gold medals ang Team Philippine Paddlers.

Posible ring isa sa mga out of school youths nito ang makarating sa pangarap na maging miyembro ng national team. Ayon kay coach Len ,marami pang nakakalendaryong dragonboat events sa Kamaynilaan at lalawigan ngayong year of the rabbit 2023.