
Tatlong parangal ang tinanggap ng bayan ng Taytay sa ginanap na Cities and Municipalities Competitiveness Index (CMCI) 9th Regional Competitiveness Summit – Class 1 to 2 Municipalities Category kamakailan.
Nakamit ng Taytay ang naturang parangal dahil sa aktibong paglilingkod at pagsisikap.
Top 2 ang Taytay sa kategorya ng Economic Dynamism at Infrastructure habang Top 3 naman ito sa kategorya ng Resiliency.
Maraming salamat po sa lahat ng kawani, at sa lahat ng bumubuo ng Pamahalaang Bayan ng Taytay pati na rin sa Department of Trade and Industry (DTI) para sa pagkilala sa ating bayan.
Para sa mas maunlad na Taytay at sa kapakanan ng ating mga Taytayeños, magpapatuloy ang ating tungkulin! Congratulations, Taytay!
More Stories
Santo Papa nasa kritikal na kondisyon – Vatican
Kandidatong pro-China, ‘wag iboto – PCG spokesperson
Camille Villar sa Millennials: Panahon na para maging bahagi ng solusyon