November 19, 2024

TAYTAY BOYS HATAW SA DAY ONE NG DRAGONBOAT NATIONAL OPEN CHAMPIONSHIPS

PINATUNAYAN ng Taytay Boys paddlers na may positibong results ang bawat paghihirap at sakripisyo para sa isang misyong makabayan matapos dominahin ang unang araw ng sagwanan sa Dragonboat National Open 2022 na umurangkada sa Lawa ng Taal sa Balai Isabel, Talisay sa lalawigan ng Batangas.

Sa finals ng naturang kumpetisyon na inorganiss ng Philippine Canoe Kayak Dragonboat Federation sa pamumuno ni PCKDF president Teresita Uy at sa timon ni national coach Len Escollante, pinagharian ng Taytay Boys paddlers ang 500 meter race men’s open finals sa kanilang winning time na 3″41’79 at sumegunda ang utol na koponan nitong Taytay Juniors (3″44’04). Tersera ang Sagwan Tanawan at kasunod ang Philippine Titans Dragonboat team.

Ang panalo ng Taytay Boys ay halos in the bag na ang kanilang minimithing maging kinatawan ng Philippine Dragonboat Team na sasabak sa Cambodia SEAGames 2023.

Ang Day One bakbakan sa sagwan ay kinakitaan ng aksiyon ang mga koponang mananagwan mula (bukod sa finalists) Rampage, Aqua, Fortis, San Miguel Leyte team, Alab Sagwan, Manila, Dragon at VisMin.

Bago ang bakbakan sa tubigan ay idinaos ang isang simbolikong pambungad seremonya na dinaluhan ni dragonboat sport enthusiast Talisay Mayor Nestor Natanauan kung saan ay malugod niyang tinuran na ang koponan ng bansa na makaka-gold sa susunod na Southeast Asian Games ay manggagaling at napili sa isang makasaysayang kaganapan sa kanilang balwarte -ang  Bayan ng Talisay.