November 24, 2024

Taunang Parol Festival sa Las Pinas umarangkada na

Pormal nang inilungsad ni Senadora Cynthia A. Villar ang parol-making competition sa Las Pinas City para matulungan ang industriya sa paggawa ng parol sa siyudad sa gitna ng COVID-19 pandemic.

 “While COVID-19 may have prevented us from doing the festivities to celebrate our 15th Parol Festival this year, this should not stop us from honoring our annual tradition of showcasing the most colorful and creative Christmas lanterns made by Las Pineros,” pahayag ni Villar.

Alinsunod sa kanyang patuloy na adbokasiya para isulong ang recycling ng basura at mas epektibong solid waste management, sinabi ni Villar na dapat gamitin ng mga gumagawa ng parol na kalahok sa kompetisyon  ang recyclable materials gaya ng shampoo sachets, soap cartons, straws, pet bottles, cans, used cds, at karton, pati na rin ang  organic items katulad ng clam at mussel shells.  

“Through this competition, we want to further raise awareness on the importance of recycling. Participants are encouraged to make use of reusable items so they don’t end up clogging our waterways that result to flooding especially during the rainy season,” ayon pa kay Villar.

Hanggang Nobyembre 30 ang pagsusumite ng entries. Gaganapin ang paghuhusga at pag-iilaw ng parol sa Disyembre 1. 

Tatanggap ang kampeon ng P20,000 cash habang P15,000 sa pangalawa at P10,000 naman sa pangatlong puwesto.

Para sa kumpletong mechanics at criteria ng parol competition, tingnan ito sa  Villar SIPAG (Social Institute for Poverty Alleviation and Governance) Facebook account (@VillarSIPAG).