SUKANG-SUKA ang ordinaryong mamamayan sa bawa’t balita tungkol sa awayan nina Congressmen Alan Peter Cayetano at Lord Allan Jay Velasco at kanilang mga tuta sa speakership ng House of Representatives.
Ang daming problema na binubuhat ng ordinaryong tao araw-araw, heto’t dagdag bwisit at pabigat pa lalo ang dalawang ito at kanilang mga alipores. Pwe!
Ang laki ng gastusin ng pera ng taumbayan sa kanilang pasweldo at mga allowances, mga staffs at mga consultants. Sagutin pa natin mga taumbayan ang mga kinakain, inumin, sasakyan, driver, security, gasolina, at mga incidental expenses.
The people does not deserve these kinds of politicians. Lalo lamang inilayo ang mga tao sa legislative and executive branches. Hinubaran ni Cayetano at Velasco ang kanilang sarili sa taumbayan at kitang-kita ang madumi, mabaho at kasuklam-suklam na uri ng pamumulitika.
The people does not deserve this brand of politics from these two overly ambitious creatures at the expenses of the people’s resources. Decent Filipinos rejects Cayetano’s and Velasco’s brand of politics!
More Stories
CIDG ‘KOLEKTONG ISYU’ MATULDUKAN NA KAYA?
DAPAT O HINDI DAPAT BAGUHIN ANG ORAS NG PASOK NG GOBYERNO?
MAYOR HONEY LACUNA AT VM YUL SERVO KAHANGA-HANGA ANG TANDEM