KUHA NI JHUNE MABANAG / AGILA NG BAYAN
Kadalasan, nakakakita tayo ng mga pulubi sa kalye na nanlilimos ng pagkain at pera. May pagkakataon din na may mga taong nagpapanggap na may kapansanan para lang makakuha ng simpatya. Subalit ngayon, isang PWD na lalaki na nagtatrabaho sa Manila Traffic Parking Bureau ang nagpatunay na hindi hadlang ang kanyang kondisyon para masuportahan ang kanyang sarili at pamilya.
Kinila ang naturang tauhan ng MTPB na si Ricardo Cabulasan na abala sa pagtatrapik sa kahabaan ng Penafrancia corner Zamora St. Paco, sa Maynila habang bitbit ang kanyang saklay.
Maraming netizen ang humanga kay Cabulasan dahil sa kanyang ipinapakitang tiyaga at sipag sa pagtatrabaho. May mga nakpagsabi rin na dapat tularan ang isang katulad niya, na hindi ginagawang dahilan ang kapansanan para talikuran ang kanyang responsibilidad at obligasyon.
“Tunay nga namang mapalad ang kanyang pamilya dahil handa nitong gawin ang lahat para sa kanyang mahal sa buhay sa kabila ng kanyang kapansanan,” ayon sa isang taxi driver na si Manong Bert Pascual.
Dahil sa walang pag-aalinlangan, maituturing si Cabulasan na isang huwaran bilang masipag na tauhan ng MTPB.
Bagama’t maraming pagsubok na kinakaharap niya araw-araw, patuloy pa rin siyang bumabangon upang mabuhay at magkaroon ng maayos na buhay ang kanyang pamilya.
More Stories
Driver, arestado sa baril sa Malabon
80K NANAY MAKAKATANGGAP NG P350 MONTHLY SA ILALIM NG EXPANDED 4Ps – DSWD
TUMATAKBONG SENADOR UMABOT NA SA KALAHATING BILYON ANG GASTOS SA KAMPANYA (Pero laglag pa rin sa Magic 12)